Nananatiling stationary o halos hindi gumagalaw ang bagyong Caloy sa bahagi ng West Philippine Sea.
Huling namataan ng PAGASA ang naturang sama ng panahon sa layong 375 kilometers, kanluran ng Iba, Zambales.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 55 kilometers per hour.
Inaasahang kikilos ang bagyo pa-Kanluran Hilagang Kanluran hanggang bukas at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa loob ng 24 oras bago dumiretsong China sa Sabado.
Wala namang itinaas na public storm signal ang PAGASA sa anumang bahagi ng bansa.