(UPDATED)
Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Caloy na may international name na “Jelawat”.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,015 kilometro Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Inaasahang kikilos ang bagyo sa direksyon patungong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo dahil sa ‘recurving’ track nito.
Sa ngayon ay walang nakataas na tropical cyclone warning signal sa anumang bahagi ng bansa. —Aiza Rendon
PAGASA 11 AM UPDATE
The Tropical Storm with international name “Jelawat” has entered the Philippine Area of Responsibility and was named “Caloy”. pic.twitter.com/hfTwNPNs6K— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 27, 2018
—-