Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Carina.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang naturang bagyo sa layong 330 kilometro hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Kumikilos ito sa direksyon patungong China sa bilis na 24 na kilometro kada oras.
Kasalukuyang ibinaba na ang lahat ng storm signal sa buong bansa at wala na ring direktang epekto ang bagyong Carina sa anumang bahagi ng Pilipinas.
Samantala, patuloy nang pinag-iingat ang mga mamamayan sa MIMAROPA, nalalabing bahagi ng northern Luzon, Zambales at Bataan dahil sa mga posibleng flashfloods at landslides na maaaring idulot ng umiiral na hanging habagat na inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.
By Ralph Obina