Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o sa lunes ng madaling araw ang bagyong Chedeng.
Kasunod ito ng patuloy na paghina ng bagyo na mayroong maximum sustained winds na 130 km/h at pagbugsong aabot nasa 160 km/h.
Gayunman ayon sa PAGASA, inaasahan pa rin ngayong araw ang malalakas na pag-ulan at magpapatuloy pa ito sa mga susunod na araw dahil sa hanging habagat.
Habang inaasahan naman bukas sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ang maulap at may mga manaka-nakang pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila.