Inaasahang lalabas na bukas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Dante.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, wala nang epekto sa bansa ang naturang bagyo at hindi na rin ito tatama sa kalupaan ng bansa.
Sa monitoring ng PAGASA, patuloy na kumikilos ang bagyo sa ibabaw ng Philippine Sea.
Samantala, asahan naman ngayong araw ang maalinsangan at mainit na panahon na may pulo-pulong pag-ulan partikular sa dakong hapon o gabi.
By Ralph Obina
Bagyong Dante inaasahang lalabas ng PAR bukas was last modified: April 27th, 2017 by DWIZ 882