Humina at isa na lamang tropical depression ang bagyong Dante na ngayon ay nakalabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility.
Huli itong namataan ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, isang libo at apatnaraan dalawampu’t limang (1,425) kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa limampu’t limang (55) kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa animnapu’t limang (65) kilometro kada oras.
Inaasahang kikilos ang tropical depresion Dante pa-hilaga hilagang silangan sa bilis na labing walong (18) kilometro kada oras.
Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon, mamayang gabi ay inaasahang nasa isang libo pitong daan at tatlumpung (1,730) kilometro na ito sa silangan ng Aparri, Cagayan.
By Katrina Valle
Bagyong Dante nakalabas na ng PAR was last modified: April 28th, 2017 by DWIZ 882