Napanatili ng Tropical Storm Dante ang lakas nito habang kumikilos pa-kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.
Dahil dito, nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Masbate kabilang ang Ticao at Burias Island,
- Albay
- Sorsogon
- Eastern Samar
- Samar
- Northern Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Dinagat Islands
- Siargao
- Bucas Grande Islands
Habang nakataas naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Quezon kabilang ang Polillo Islands
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Marinduque
- Romblon
- Aklan
- Capiz
- northern at central portion ng Iloilo (Lambunao, Janiuay, Dumangas, Zarraga, New Lucena, Pototan, Mina, Badiangan, Dueñas, Calinog, Bingawan, City of Passi, San Enrique, Dingle, Barotac Nuevo, Banate, Anilao, Barotac Viejo, San Rafael, Lemery, Ajuy, Sara, San Dionisio, Concepcion, Batad, Estancia, Balasan, Carles)
- northern portion ng Negros Occidental (San Carlos City, Salvador Benedicto, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso, Calatrava, City of Talisay, Silay City, Enrique B. Magalona, City of Victorias, Manapla, Murcia, Bacolod City)
- Bohol
- northern at central portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, San Remigio, Tabogon, Borbon, Tabuelan, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Danao City, Asturias, Balamban, Compostela, Liloan, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Consolacion, Cordova, Toledo City, City of Talisay, Minglanilla, City of Naga, Pinamungahan, San Fernando, Aloguinsan, City of Carcar) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands
- nalalabing bahagi ng Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- northeastern portion ng Misamis Oriental (Magsaysay, Gingoog City, Talisayan, Balingoan, Medina)
- Camiguin
Huling namataan kaninang alas-10 ng umaga ang Bagyong Dante sa layong 235 kilometro, silangan ng Maasin City, Southern Leyte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/hr malapit sa gitna, at pagbugsong aabot naman sa 90 km/hr.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 km/hr.
Batay sa track ng PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang pagkilos ng bagyo pa-kanluran, hilagang-kanluran hanggang sa Miyerkules ng gabi.