Bahagyang bumagal ang Bagyong “Dodong” habang patuloy itong kumikilos sa direksyong Hilagang Silangan.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Dodong sa layong 655-kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45- kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng hanging aabot sa 60-kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 15-kilometro kada oras.
Hindi na inaasahang magla-landfall pa ang Bagyong Dodong at wala rin itong magiging direktang epekto sa bansa.
Gayunman, palalakasin nito ang habagat o southwest monsoon na magdadala naman ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.