Asahan pa ang mga pag-ulan sa susunod na dalawang araw ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Ito’y dahil patuloy na pinalalakas ng bagyong Domeng ang hanging habagat na nagdadala ng monsoon rains sa bahagi ng Luzon at Western Visayas.
Sa pinakahuling monitoring ng PAGASA ay bahagya pang lumakas ang bagyong Domeng habang patuloy na kumikilos pa-hilagang-silangang direksyon sa bilis na 21 kilometro kada oras.
Huling namataan ang bagyo sa layong 565 km Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 105 kph.
Inaasahang bukas, Linggo ng umaga ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo na tutumbukin ang katimugang bahagi ng Japan.
By Aiza Rendon