Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Domeng sa araw ng Linggo at hindi inaasahang tatama sa kalupaan.
Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyong Domeng ang lakas nito habang kumikilos patungong Philippine Sea.
Ang bagyong Domeng ay pinakahuling namataan sa layong 805 km Silangan ng silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay ng bagyong Domeng ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 60 kilometro kada oras.
Bagamat walang itinaas na public storm signal, binalaan ng PAGASA ang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao kabilang ng nasa Bicol region sa posibleng landslide at pagbaha dahil sa bahagya hanggang malakas na pag-ulan.
—-