Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Domeng.
Batay sa huling datos ng PAGASA kaninang alas-3 ng madaling araw, huling namataan ang bagyo sa layong 1, 120 kilometers, kanluran ng extreme Northern Luzon.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas nang hanging aabot sa 95 km/h malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 160 km/h.
Kumikilos ito pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.
Bagaman wala nang direktang epekto sa bansa, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng kapuluan dulot ng southwest monsoon at localized thunderstorm.