Itinaas na sa severe tropical storm ang bagyong Egay ngayong Linggo habang wala pa namang tropical cyclone wind signal na itinataas sa ilang bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas.
Batay sa monitoring ng DOST-PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 610 kilometro, silangan ng Daet, Camarines Norte.
Habang kumikilos ito pa-kanlurang bahagi ng bansa, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 115 kilometers per hour.
Inaasahan namang hihina na ang bagyo sa Miyerkules at posibleng tumama sa Taiwan.