Tuluyan nang nakalabas ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong Egay.
Ang sentro ng bagyong Egay ay pinakahuling namataan sa layong 320 kilometro kanluran timog kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin ng bagyong Egay ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 100 kilometro kada oras.
Ang bagyong Egay ay kumikilos pa-hilaga sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Samantala, ang typhoon Chan Hom na inaasahang papasok ng PAR ngayong araw na ito ay natukoy sa layong 1,700 kilometro silangan ng Luzon.
Source: PAGASA
Samantala, regular nang magpapalabas ng advisory ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa bagong bagyong inaasahang papasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA, hindi inaasahan ang landfall sa bansa ng nasabing bagyo subalit seryosong banta pa rin ang dala nito.
Ang nasabing bagyo ay papangalanang Falcon kapag pumasok na sa PAR mamayang hapon o gabi.
Tinatayang hahatakin ng bagyo ang hanging habagat na maaaring magdala ng flashflood at landslides.
By Judith Larino
A