Napanatili ng bagyong Egay ang lakas nito habang patuloy na tinutumbok ang direksyong pa-hilagang silangan.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyo na nasa 330 kilometro hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin ng bagyong Egay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kilometro bawat oras.
Tinatahak nito ang direksyong pa hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.
Dahil dito, nakataas na ang babala ng bagyo bilang isa sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan.
Ayon kay Fernando Cada, Weather Forecaster ng PAGASA, asahan na ang malalakas na alon sa mga karagatan dahil paiigtingin ng bagyong Egay ang umiiral na hanging habagat.
By Jaymark Dagala
Source: PAGASA