Bahagyang bumagal ang tropical depression Emong habang papalapit sa Batanes at Babuyan Islands area.
Ang sentro ng bagyong Emong ayon sa PAGASA ay pinakahuling namataan sa layong 270 kilometro Silangan-Hilagang Silangan ng Aparri, Cagayan at kumikilos pa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyong Emong ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 70 kilometro kada oras.
Ang tropical cyclone wind signal number 1 ay nakataas pa rin sa Batanes, NorthEastern portion ng Cagayan o mga bayan ng Santa Ana at Gonzaga kabilang ang Babuyan Islands.
Ipinabatid pa ng PAGASA ang posibleng paglakas pa ng bagyong emong bilang tropical storm sa susunod na 12 oras.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Emong bukas ng umaga.