Bahagyang lumakas ang Bagyong Emong habang kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran ng Philippine Sea o sa silangan ng southern Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong animnaraan dalawampung kilometro hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras taglay ang hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.
Nakataas naman ang public storm warning Signal 1 sa Batanes at hilagang-silangan ng Cagayan partikular sa mga bayan ng santa Ana, Gonzaga at Babuyan Islands.
Samantala, posibleng maging isang bagyo rin ang low pressure area na namataan 225 kilometro kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro. —sa panulat ni Drew Nacino