Nakalabas na ng bansa ang bagyong Emong at nasa Japan na.
Ang bagyong Emong na may international name na Nanmadol ay pinakahuling namataan sa layong limandaan at pitumpung (570) kilometro hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Ang nasabing bagyo ay lumakas pa at naging isang severe tropical storm bago makalabas ng bansa.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa siyam napung (90) kilometro bawat oras at may pagbugso na umaabot sa isandaan at labing limang (115) kilometro kada oras.
Sinabi ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na sa ngayon ay habagat na lamang ang umiiral.
By Judith Estrada – Larino