Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression Emong.
Ayon sa PAGASA, nakalabas ito sa karagtang sakop ng Pilipinas kaninang pasado alas-9 ng umaga.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 165 kilometro sa hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito patungong China sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Bahagya namang nabawasan ang taglay nitong lakas sa nakalipas na mga oras.
Gayunman, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa hanging habagat.