Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Enteng, kagabi.
Ngunit, sa kasalukuyan, nakakaapekto naman ang southwest monsoon sa kanlurang bahagi ng hilagang Luzon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Weather Forecaster Meno Mendoza na asahan pa rin ang isolated rainshowers at thunderstorms sa probinsya ng Ilocos, Apayao at mga isla ng Batanes at Babuyan.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas pa rin ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
By Jelbert Perdez