Lumalabas sa pagtaya ng pag-asa na mas bumilis pa ang Tropical depression Ester habang patungo sa hilagang bahagi ng bansa at palabas ng Philippine Area of Responsibility.
Base sa datos ng Weather Bureau, namataan ang sentro ng bagyo 675 kilometer east northeast ng Itbayat, Batanes.
Patuloy rin na nasa maximum ang lakas ng hangin ni Bagyong Ester na aabot sa 45 km per hour malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 55 km/h, habang pumalo naman sa 998hpa ang cetntral pressure nito.
Kumikilos ang bagyo northward na may bilis na 20km/h.
Pahayag ng Pagasa, maaring magdulot ng mga pag-ulan sa loob ng 24-oras sa mga lalawigan ng western section ng Central at Southern Luzon, at Visayas ang Hanging Habagat na pinalalakas ni Bagyong Ester at Tropical storm Songda na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Wala namang namamataan na Tropical cyclone wind signal ang Weather Bureau.
Sa monitoring ng ahensya, hilaga at hilagang-kanluran ang direksyon bagyo na inaasahang lalabas ng bansa ngayong umaga o mamayang hapon.
Pinapayuhan ng Pagasa ang mga sasakyang pandagat na iwasan munang lumaot dahil sa nararanasang sama ng panahon, habang pinapayuhan naman ang mga residente sa mga apektadong lugar na agad tumalima sa mga otoridad sakaling magpatupad ng evacuation para sa kanilang kaligtasan.