Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Ester.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang naturang bagyo sa layong 595 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Basco Batanes.
Taglay nito ang bilis ng hanging nasa 60 kilometro kada oras at may pabugsong aabot sa 100 kilometro kada oras.
Sa kabila ng paglabas ng PAR ng bagyo, ibinabala ng PAGASA na asahan pa rin ang mga pag-ulan sa mga rehiyon ng Ilocos at Cordillera maging ang mga lalawigan ng Batanes, Babuyan Island, Zambales at Bataan.