Lumakas pa ang bagyong Fabian habang kumikilos pa-Hilaga, Hilagang-Kanluran.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,090 kilometers, Silangan Hilagang-Silangan ng dulong Hilagang Luzon.
Taglay ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hanging aabot sa 85 kph at pagbugso na hanggang 105 kph at kumikilos sa bilis na 10 kph.
Wala naman itong direktang epekto sa bansa pero palalakasin nito ang Southwest Monsoon o habagat na magdadala ng ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan Occidental Mindoro at Palawan.
Bagaman walang nakataas na public storm signal, inabisuhan ng pagasa ang mga taga-Batanes, Babuyan group of islands maging ang mga mandaragat na mag-ingat dahil sa naglalakihang alon.—sa panulat ni Drew Nacino