Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Fabian na may international name na Infa.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 640km Hilaga, Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140km/hr at pagbugso na hanggang 170km/hr.
Kumikilos ang bagyo pa-Hilaga’t bumilis sa 15km/hr.
Inalis naman ng PAGASA ang Public Storm Signal Number 1 sa Batanes at Babuyan Islands.
Gayunman, patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Habagat na pinaigting ng bagyo. —sa panulat ni Drew Nacino