Lumakas pa ang bagyong Fabian at tuluyan na itong naging severe tropical storm.
Ngunit ayon sa PAGASA mababa pa rin ang posibilidad ng pagtataas ng anumang tropical cyclone wind signal.
Huling namataan ang bagyo sa mahigit 1,000 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang hangin aabot sa 95 kilometro kada oras at may pagbugsong aabot sa mahigit 100 kilometro kada oras.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga.