Nakalabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Falcon.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Bagyong Falcon ay pinakahuling namataan sa mahigit 600 kilometro ng hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes o sa labas na ng PAR.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 100 kilometro kada oras.
Gayunman, asahan pa rin ang bahagya hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Zambales at Bataan at bahagyang pag ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ngayong araw na ito.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na nakatira sa flood at landslide prone areas na mag ingat at makipag ugnayan sa mga otoridad para sa kaukulang advisory.
Binalaan din ang mga magba byahe sa karagatang sakop ng Luzon.