Napanatili ng bagyong Falcon ang lakas nito habang kumikilos papalayo ng bansa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 230-kilometro hilagang-silangan ng Bbasco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65-kilometro kada oras at may pagbugsong aabot sa 80-kilometro bawat oras.
Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 30-kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20-kilometro kada oras sa direksyong pa-hilaga.
Nakataas pa rin ang signal no. 2 sa Batanes at signal no. 1 naman sa Babuyan Group of Islands.
Inaasahan ang paglabas ng bagyo mamayang gabi.
Samantala, patuloy namang minomonitor ng PAGASA ang namataang low pressure area sa layong 254-kilometro kada oras sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Malaki ang tyansa na maging bagyo ng naturang LPA sa susunod na 48-oras, papangalanan itong bagyong Goring.