Lumakas pa ang bagyong Ferdie na nasa dulong bahagi ng hilagang Luzon.
Sa huling monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang bagyo sa layong 879 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng aabot sa 210 kilometro kada oras.
Inaasahang gagalaw ang bagyo pa-kanluran hilagang kaluran sa bilis na 22 kilometro kada oras.
Nakataas na ang signal number 1 sa Cagayan, Apayao, Batanes at Babuyan Group of Islands.