Nakataas na ang typhoon storm signal number 4 sa Batanes matapos tumama sa kalupaan ang bagyong Ferdie.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot 220 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kilometers per hour.
Kumikilos ito patungong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 222 kilometers per hour.
Dahi dito, sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Gener Quitlong na nasa katergoryang super typhoon na ang naturang bagyo.
Ayon kay Quitlong, huling namataan ang bagyong Ferdie sa layong 45 kilometers sa hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
Nakataas naman ang signal number 3 sa Babuyan Group of Islands, signal number 2 sa Ilocos Norte, Apayao, northern Cagayan at signal number 1 naman sa mga nalalabing bahagi ng Cagayan, Kalinga, Abra at hilagang bahagi ng Ilocos Sur.
Samantala, pumasok na kaninang alas-12:00 ng madaling araw ang isa pang bagyo na pinangalanang “Gener”.
Gayunman, wala pa itong epekto sa bansa at hindi rin inaasahang tatama sa kalupaan.
By Jelbert Perdez