Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ferdie.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,210 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon.
Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Taglay din ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.
Matatandaang bandang ala-6 kagabi nang pumasok sa PAR ang bagyong Ferdie.
Ang bagyong Ferdie, ang ika-anim na bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.