Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong ‘Ferdie’.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, dakong alas-9 ng umaga nang tuluyang nilisan ng Bagyong Ferdie ang PAR habang napanatili ang lakas nito at kumikilos pa-hilaga ng West Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, posible itong tumama sa kalupaan ng Fujian Province sa southeastern China bukas ng umaga.
Patuloy namang magdadala ng mga pag-ulan ang Bagyong Ferdie pati na ang Southwest Monsoon o Habagat ngayong araw sa mga lugar ng Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan at panaka-nakang pag-ulan sa bahagi ng Cordillera Administraqtive Region at Central Luzon.
Samantala, huli namang namataan kaninang alas-10 ng umaga ang naturang bagyo sa labas ng PAR sa layong 315 kilometro kanluran, hilagang-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte o 315 km kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 70 km/h.
Kumilikos ito sa pa-hilaga sa bilis na 15 km/h.
Inalis na rin ang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa buong bansa.