Bahagyang humina ang Bagyong Florita habang kumikilos patungong West Philippine Sea.
Namataan ang sentro ng bagyo 80 kilometers northwest ng Laoag City, Ilocos Norte na may lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 145 kilometers per hour.
Kumikilos ang Bagyong Florita pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Nakataas ang Signal no. 3 sa hilagang-kanluran ng Ilocos Norte kabilang na ang Bacarra, Pasuquin, Burgos, at Bangui.
Signal no. 2 sa hilagang-kanluran ng Mainland Cagayan kabilang na ang Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Kanlurang bahagi ng Babuyan Islands kabilang na ang Calayan Islands, Dalupiri Islands, at Fuga Islands.
Signal no. 2 din sa Apayao, hilagang bahagi ng Abra kabilang na ang Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Dolores, Tayum, La Paz, Danglas, Bangued, Langiden, Pidigan, San Quintin, San Isidro, at Peñarrubia maging ang nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at hilagang bahagi ng Ilocos Sur kabilang na ang Santa, Caoayan, City of Vigan, Santa Catalina, Santo Domingo, San Vicente, San Ildefonso, Bantay, Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, at San Esteban.
Signal no. 1 naman sa Batanes, nalalabing baagi ng Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Mainland Cagayan, hilaga at kanlurang bahagi ng Isabela kabilang na ang Cordon, Ramon, San Mateo, Cabatuan, Aurora, San Manuel, Burgos, Quirino, Delfin Albano, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, at Maconacon.
Signal no. 1 din sa hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya kabilang na ang Kayapa, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bagabag, at Diadi maging sa nalalabing bahagi ng Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, at nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, at La Union.