Unti-unti nang lumalapit sa Northern Luzon ang Bagyong Florita na kasalukuyang nasa East Philippine Sea.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, ang layo ng sentro ng bagyo ay nasa 310 kilometers East of Casiguran, Aurora.
Napanatili ng Bagyong Florita ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour na may pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Patuloy na kumikilos ang bagyo pakanluran-timog-kanluran sa bilis na aabot sa 20 kilometers per hour.
Kasalukuyan paring hinahatak ng Bagyong Florita ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat kung saan, naaapektuhan nito ang Southern Luzon at Visayas.
Sakaling hindi magbago ang pagkilos ng Bagyong Florita, asahan na maglalandfall ito pagsapit ng Martes ng hapon o gabi sa baybayin ng Cagayan o Northern Isabela.
Posible din magkaroon ng pangalawang landfall sa Babuyan Islands at dadaan sa West Philippine Sea at maaring maging severe tropical storm habang palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagsapit ng Miyerkules ng gabi.
Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Northern Aurora.