Nagbukas ng tig-isang gate ang dalawang dam sa Luzon dahil sa inaasahang mas maraming pag-ulan na dulot ng Bagyong Florita.
Ayon sa PAGASA, nasa 0.30 meter ang binuksan sa isang gate sa Binga Dam sa Benguet kaninang ala-6 ng umaga.
Ito’y matapos umabot sa 574.43 meters ang o RWL ng Dam, na malapit na sa 575-meter spilling level o normal high water level.
Samantala, binuksan din ang isang gate ng Magat Dam sa 0.50 meter kaninang umaga.
Umabot sa 187.10 meters ang RWL ng Magat Dam, na ilang metro na lamang mula sa normal level na 190 meters.
Mababatid na itinaas ng PAGASA sa tropical cyclone wind signal no. 1 ang Cagayan, Isabela, at 10 pang mga lugar dahil sa naturang bagyo.