Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Florita at bahagyang bumilis habang patungong kanluran-hilagang-kanluran ng bansa.
Ayon sa PAGASA weather bureau, namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm “Florita” sa layong 335 kilometers kanlurang bahagi ng Calayan, Cagayan sa labas ng PAR na may lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyong Florita pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Samantala, nakataas parin ang Signal no. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, kanlurang bahagi ng Mainland Cagayan, Apayao, Abra, kanlurang bahagi ng Kalinga, kanlurang bahagi ng Mountain Province, hilagang-kanluran ng Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at La Union.