Pumasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong may international name na Maria at pinangalanang Gardo.
Sa huling tala ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 1,325 km Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 245 kph.
Gumagalaw ang bagyo sa direksyong pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.
Ayon sa PAGASA, palalakasin ng bagyong Gardo ang southwest monsson o habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa bahagi ng MIMAROPA, Western Visayas, at pabugso-bugsong pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Zambales, Bataan, at Aurora.
Pinag-iingat naman ang mga residente na nasa mabababang lugar laban sa posibleng mga pagbaha.
Inaasahang sa Miyerkoles pa ng umaga lalabas ng PAR ang bagyo. —AR
—-