Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Gardo at may international name na Maria na patuloy na kumikilos sa direksyong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.
Huling namataan ang bagyo sa layong 650 kilometro hilaga ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kph at pagbugsong papalo sa 195 kph.
Ayon sa PAGASA, bagama’t nasa labas na ng bansa ang bagyo asahan pa ring paiigtingin nito ang southwest monsoon o habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Palawan at Mindoro at pabugso-bugsong pag-ulan naman sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol region, Western Visayas, Marinduque, Romblon at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Patuloy na pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar laban sa posibleng landslides at flash floods.
Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon at sa western seaboard ng Southern Luzon.—AR
—-