Posibleng lumabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong Goring mamayang gabi o bukas ng umaga.
Ipinabatid ito ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa gitna na rin nang pagbabantay sa isang Low Pressure Area (LPA) na nasa silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan.
Samantala, makakaranas ng magandang panahon ngayong araw na ito ang malaking bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.
By Judith Larino