Napanatili ng bagyong Goring ang lakas nito habang kumikilos pa-Kanluran o patungong Korean Peninsula.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,245 kilometers, hilagang-silangan ng Basco, Batanes o malapit na sa Taiwan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometer per hour at pagbugsong hanggang 180 kilometer per hour at kumikilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Nauna nang inihayag ng PAGASA na hindi tatama sa kalupaan ang typhoon Goring at lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas, araw ng Sabado.
By Meann Tanbio