Napanatili ng bagyong Gorio ang lakas nito habang mabagal na kumikilos sa direksyong pa-hilaga hilagang kanluran.
Gayunman, ipinabatid ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na asahang lalakas pa ang naturang bagyo kayat pinag-iingat sa landslides ang bahagi ng Cordillera.
Huling namataan ang bagyo sa layong 615 kilometro silangan ng Tuguegarao City.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging papalo sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 105 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong Gorio sa bilis na 9 na kilometro kada oras.
Pinaiigting pang lalo ng bagyong Gorio ang southwest monsoon o habagat na magdadala ng bahagya hanggang malalakas na pag-ulan sa western section ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
Inaasahan namang Martes pa ng umaga lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Gorio.
By Ralph Obina
Bagyong Gorio inaasahang lalakas pa was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882