Napanatili ng bayong Gorio ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong pa-hilagang kanluran.
Sa pinakahuling tala ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration namataan ang bagyo sa layong 360 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 105 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 130 kilometers per hour.
Inaasahang gagalaw ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang tropical storm warning signal number 1 sa Batanes Group of Islands.
Sinabi ng PAGASA na patuloy na palalakasin ng bagyong Gorio ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon, Metro Manila at Western Visayas.
Ibinabala din ng PAGASA ang posibleng landslides at flashfloods sa Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON at Mimaropa.
Inaasahang sa Linggo pa ng gabi o Lunes ng madaling araw tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Gorio.
Samantala, isa pang tropical depression ang namataan sa labas ng PAR ngunit ayon sa PAGASA ay hindi naman ito inaasahang papasok sa bansa.
—AR
Bagyong Gorio napanatili ang lakas was last modified: July 28th, 2017 by DWIZ 882