Isa nang ganap na bagyo ang sama ng panahong namataan sa bahagi ng Extreme Northern Luzon.
Sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA, natukoy ang lokasyon ng bagyo sa layong 550km sa Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.
Mababatid na tinawag ng PAGASA ang naturang bagyo bilang Gorio na siyang ika-pitong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taong 2021.
Hindi naman inaasahang tatama ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa pero palalakasin nito ang presensya ng hanging Habagat.
Sa kabila nito, ay maaaring makaranas ng pag-ulan ang mga nasa Kanlurang bahagi ng bansa sa susunod na mga araw.