Bahagyang humina ang bagyong Hanna matapos itong mag-landfall sa Taiwan.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyong Hanna sa layong 405 kilometro sa hilaga hilagang – kanluran ng Itbayat, Batanes.
Oras malapit sa gitna, at pagbugso na umaabot sa 185 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong Hanna pa-hilagang – kanluran, sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas ang storm signal # 2 sa probinsya ng Batanes kasama ang Itbayat; at nakataas pa din ang storm signal # 1 sa Calayan at Babuyan Group of Islands.
Bukas ng umaga ay inaasahang nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Hanna.
Source: PAGASA
By Katrina Valle