Bahagyang lumakas ang bagyong hanna, habang papalapit ito sa Taiwan.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyong Hanna sa layong 380 kilometro sa hilaga ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 175 kilometro kada oras, malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 210 kilometro kada oras.
Inaasahang kikilos ang bagyong Hanna pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas ang storm signal # 2 sa probinsya ng Batanes kasama ang Itbayat at nakataas naman ang storm signal # 1 sa Calayan at Babuyan Group of Islands at sa northern Cagayan.
By Katrina Valle