Patuloy na kumikilos patungo sa dulong hilagang Luzon ang bagyong Hanna.
Huli itong namataan sa layong 485 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Itbayat sa Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 165 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot ng 200 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo ng pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng umaga.
Nakataas ang signal no. 2 sa probinsya ng Batanes at Itabayat habang signal no. 1 naman sa Calayan at Babuyan Group of Islands at northern Cagayan.
Inaasahang magiging maulan ang buong Visayas, Mindanao at MIMAROPA dahil pinalakas ng bagyo ang hanging habagat.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon partikular ang kanlurang bahagi ay makararanas ng mga mahina hanggang sa katamtamang pag ulan.
By Mariboy Ysibido