Maraming mga lugar pa rin sa bansa kabilang na ang Metro Manila ang patuloy na makakaranas ng matinding pag-ulan ngayong araw.
Ito’y kahit pa nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Hanna.
Batay sa early weather bulletin ng PAGASA, namataan ang humina ng bagyong Hanna sa layong 645 kilometers hilaga, hilagang-kanluran ng Basco, Batanes kaninang 4AM.
May lakas ng hangin itong nagtataglay ng 175 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at bugso na 190 kph habang mabagal na kumikilos pa-silangan.
Hindi naman ito inaasahang muling pumasok pa ng PAR.
Gayunman, katamtaman hanggang malakas na pag-ulang dulot naman habagat ang mararanasan sa bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at northern portions ng Palawan gayundin sa Calamian Islands.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman na may kasamang pabugso-busong malalakas na pag-ulan ang iiral sa Metro Manila, Western Visayas, at sa nalalabing bahagi ng CALABARZON, Central Luzon, at MIMAROPA.
Samantala, agpaalala naman ang PAGASA na delikado ang paglalayag sa seabords ng Luzon at Visayas maging sa eastern seaboards ng Mindanao dahil sa posibleng mabagyong karagatan.