Napanatili ng Bagyong Hanna ang lakas nito habang tinutumbok ang direksyong pahilaga-hilagang kanluran.
Batay sa 10am bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng Bagyong Hannah sa layong 1,070 km silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour (kph), may pagbugso ng hangin na aabot sa 70 kph at mayroong bilis na 15 kph.
Bagama’t walang nakataas na babala ng bagyo saan mang panig ng bansa, paiigtingin nito ang hanging habagat na siyang magdadala pa rin ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon gayundin sa Visayas.