Napanatili ng bagyong Hanna ang lakas nito habang mabagal na kumikilos sa direksyon pa-kanluran.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bayong Hanna sa layong 815-kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 85kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometro kada oras.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng lumakas pa ang bagyong Hanna sa loob ng 24-36 oras bago tuluyang lumabas ng bansa sa Biyernes.
Patuloy nitong hahatakin at palalakasin ang habagat na magdadala naman ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Zambalaes, Mimaropa, Calabarzon, Bicol Region, Aklan, at Antique.
Maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidalat naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Visayas.