Napanatili ng Severe Tropical Storm Hanna na may international name na ‘Lekima’ ang kanyang lakas habang kumikilos pa-kanluran, hilang-kanlurang direksyon.
At 4:00 AM today, the center of Severe Tropical Storm “#HannaPH” was estimated based on all available data at 610 km East of Basco, Batanes (19.9°N, 127.8°E). pic.twitter.com/uSADSTmIW1
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) August 6, 2019
Ito’y batay sa ulat ng bulletin no. 8 ng weather bureau na PAGASA.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Hanna sa layong 610km silangan ng Basco, Batanes na may lakas ng hanging umaabot sa 110 kilometer per hour (km/hr) malapit sa sentro nito.
May bugso itong aabot sa 135km/hr habang kumikilos pa-kanluran, hilagang-kanluran.
Nananatili namang nakataas ang signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Makararanas naman ng katamtaman hanggang mabigat na monsoon rain sa northern portion ng Palawan pati na sa Calamian at Cuyo Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Zambales, Bataan, Aklan, at Antique.
Maulap na kalangitan naman na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing mga lugar sa Luzon, Central Visayas at Western Visayas.
Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) naman ang namataan ng PAGASA sa layong 270km kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.