Muling binalaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa dulong-hilagang Luzon sa epekto ng bagyong Hanna.
Ayon sa PAGASA, bagaman bahayang humina ang bagyo habang papalayo sa Batanes area palalakasin naman nito ang habagat na magdudulot ng pag-ulan hanggang Martes.
Dahil dito, posibleng makaranas ng flashfloods at landslides sa Northern Luzon maging sa ibang panig ng bansa.
Nakataas pa rin ang public storm signal number 1 sa Batanes Group of Islands, Calayan at Babuyan Group of Islands.
Samantala, posibleng makaranas din ng pag-ulan ang Metro Manila, Palawan, Western Visayas at Western Mindanao, bukas.
By Drew Nacino