Nakalabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong Helen na huling namataan sa layong 515 kilometro sa hilaga hilagang-kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugsong aabot ng hanggang 200 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksiyong kanlurang hilagang kanluran patungong China sa bilis na 19 na kilometro kada oras.
Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Forecaster Jori Loiz, inalis na ang lahat ng warning signals sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Bagama’t nasa labas na ng PAR, nakakaapekto pa rin ang hanging habagat sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil dito, asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan at pulo-pulong pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at lalawigan ng Mindoro.
Inaasahan din ang ‘light to moderate rains’ sa buong Kabisayaan, rehiyon ng Ilocos, Bicol, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at CARAGA Region.
By Jelbert Perdez